Miyerkules, Marso 23, 2011

ISANG MENSAHE PARA SA LAHAT NG 4-I

   Mga pare at mare.. mga kapatid ko.. salamat sa masayang pangyayaring naidadagdag nyo sa buhay ko.. kayo ang mga pinaka bago kong kapatid..  Salamat sa pakikinig sakin sa mga bagay at pagsunod at pakikioperate sa mga activities.. Masaya akong naging parte kayo ng buhay ko.. Alam nyo habang binabasa ko ang mga blog nyo.. Di ko maiwasang malungkot.. Na sa isang iglap mawawa nanaman ang mga kaibigan at mga taong tinuring kong kapatid.. Masaya rin akong proud kayo sa seksyon natin di na mawawala ang trademark nating tayo ang pinakamagulo.. Pero wala tayung magagawa kasama yun e.. Habang nakikilala ko kayo mas natatanggap ko ang  bawat pangyayari na naganap sakin. Minsan talaga may mga problema tayong kinakaharap.. Pero lagi nyong tatandaan na pagsubok lang yan.. Pasensya na rin kayo sakin kung minsan sobra na ako magbiro minsan nakakasakit na ako.. Pasensya na kayo.. Napakahalaga nyo sa buhay ko.. Salamat sa isang taon ng magandang samahan. Sana matupad ang mga pangarap natin... Nandito parin ako para tumulong sa inyo.. Mamimiss ko ang lahat lahat.. Ang lumilipad na mga papel.. Buto ng sampaloc.. Libreng pulbo at papel para sa lahat.. Malulutong na mura at asaran..  Mga umaalingasaw na utot.. At ang mga masasayang muka nyo.. Salamat sa inyo.. Mahal na mahal ko kayo! PROUD TO BE FOUR INTERNATIONALS ...


 -- John Paolo Bargados. =)

WELCOME TO OUR BLOG =)

    Narito po ang kwento ng aming mga buhay. Mga kwento na kapupulutan ng aral. At kakikitaan ng ibat-ibang kulay ng buhay.Samahan nyo kaming balikan ang aming buhay. =)