Dito ninyo malalaman kong sino at ano ba ang tunay na Bryan Lontok.

"Ako noong ako ay bata pa"
Isang araw ng Abril 8,1994 ipinanganak ang isang Kristian Bryan P. Lontok. Ang pangalan ng aking mga gulang ay si Nympha Lontok at Willfredo Lontok. Sa mismong bahay po namin sa San Anton ako ipinanganak. At sumapin na ang kaarawan ng aking ina noong ika Mayo 11,1994 at noong araw din iyon ako bininyagan. Pito kaming magkakapatid ang mga pangalan nila ay si Kristina, Patrick, Ako sempre si bryan, anna joy, marian, nikka, at si yanna na ang bunso kung kapatid.

Ang kwento sa akin ng aking mga magulang ay lagi silang nagaaway. Dahil daw doon sa taling ko sa loob ng mata tapos lagi daw sila nagtatalo dahil dun… Kasi sabi daw ng tatay ko ay dumi lang yung taling ko sa mata kaya lagi niya itong kinukutkut dahil matatanggal daw yun…Pero sabi ng nanay ko taling daw yun pero laging sinasabi ng tatay ko na dumi lang na pumasok sa loob ng mata ko..Kaya yun lagi silang nagaaway dahil dun..

Apat na taong gulang ako noong nagkaroon ako ng poknat sa likod ng ulo ko. Dahil naglalaro kami magkakapatid tapos naupo ako sa patungan ng kamay nag seseso ako doon na palakas ang pagseso ko kaya nag baliktad ako. Hinipo ko agad ang ulo ko nun akala ko bukol lang tapos biglang may naramdaman akong parang nababasa sa tubig ang kamay ko yun pala ay nag dudugo na ang aking ulo. Nag iyak agad ako dahil nakakita ako ng dugo galing sa ulo ko sugod agad ang lola ko sa akin tapos tinatong niya ako kung bakit daw ako naiyak. Tapos na kita na niya na nadugo ang ulo ko kumuha agad siya ng gunting at ginupin ang buhok sa paligid ng sugat ko para daw. Makita niya kung gaano kalaki yung sugat ko sa ulo yun nakita na niya kung gaano kalaki sabi niya isugod na daw ako sa hospital at ipatahi na lang pero wala ang tatay ko noon. Kaya ang ginawa na lang niya ay binuhusan ng alcohol at nilagyan ng gamut at gasa para mag hilom agad. Nakalipas ang ilang linggo pinabibili ako ng tatay ko sa tindahan takbong-takbo ako tapos pagiwang giwang pa ang pagtakbo ko nun. Hindi ko nakita yung poste ng bahay na bato bumangga ako doon tumama ang kilay ko tapos nakaupo lang ako sa isang tabi nakita ako ng isang ali na taga dun kilala pala ako at kilala ang magulang ko. Sabi sa akin noong ali totoy bakit ka naiyak inangat niya ang mukha ko na kita niya na nadugo ang kilay ko hinawakan ako sa kamay at inuwi ako sa amin. Tapos sabi ng tatay ko kung napaano daw ako sinabi ko yung dahilan imbis na patahanin ako na palo pa ako ng tambo kasi di ko nabili yung pinabibili sa akin. Pero ginamot naman niya.

At noong Limang taong gulang na ako pinasok na ako ng aking magulang ng Day Care subalit tumigil ako dahil daw noong unang pasukan ay tuwang tuwa daw akong pumasok. Tapos noong matatapos na ang taon tumigil na ako kasi ayaw akong bantayan ng aking nanay sa paaralan namin. Tanda ko pa nga lagi akong nagiiyak at naggugulong s gabukan sa harap ng nanay ko. Dahil ayaw niya ako ibili ng stickO at chocobot. Akala nga ng magulang ko sa akin ay bading dahil daw lagi ako nakikipaglaro sa kapatid kung panganay na babae. Lagi ko pa raw inaagaw yung Barbie ni ate. Tapos lagi daw ako naglalaro ng parlor-parluran lagi ko daw inaayusan ng buhok si ate.



"Ako at ang aking kapatid na bunso"
Nag grade 1 na ako ganun pa rin daw ang aking mga kinikilos. Tapos yung binibigay sa akin na baon ay lagi ko pangbinibili ng jackstone at ng paper doll paramihan pa nga kami ni ate noon tyaka pag may sasagutan kung ano ang paborito mong kulay violet at pink ang aking sinasagot.. Grade 2 ako nagiba na daw ang pagkikilos ko tapos lagi kami naglalaro ng bahay-bahayan ng pinsan kung babae siya ang nanay ako naman ang tatay. Grade 2 din ng iniwan na kami ng tatay ko dahil kilangan daw niya magtrabaho sa ibang bansa para daw sa amin mag kakapatid. Bago siya umalis noon ang nakalipat na kami dito sa bahay namin sa teomora binili ito ng lola ko para daw sa amin. Grade 3 nagkaroon na agad ako ng puppey love baga kung tawagin Rinajoy ang kanyang pangalan hanggang nag Grade 4 na ako kami pa rin dalawa nag Grade 5 na kami pa rin hanggang sa nakagraduate na kami ng Grade 6. Nagpangakoan pa nga kami sa isa’t isa na sana kami pa rin pag sapit ng pasukan ng high school. Sumapit ang bakasyon ng hindi naming alam parehas kung san kami papasok pero eninrolled agad ako ni ina’y ko sa liceo. Mayo nun kasali ako sa meyimbro ng palibot dito sa amin lagi ako ang nag aayos ng pila ng palibot ako din ang nangunguna kung saang daan kami dadaan. Sumapit ang tapusan ng palibot ang dami naming nagawang programa kinabukasan nag punta kmi s laiya upang pag swimming nakatulog pa nga ako noon sa gitna ng dagat ang gamit ko lang ay yung salbabeda na interyor ng gulong ng truck hindi ninyo kaya yun at yung gabing din iyon nakilala ko si tin-tin 2nd year siya sa liceo ako naman ay mag 1st year lang noon niligawan ko siya at sinagot niya ako ng june 1.


"Ako bilang high school student"
Ito na ang high school life ko 1st yr. lng ako my girlfriend na agad akong 2nd yr. tapos may nakilala akong kabatch ko lang. Di naman siya maganda pero mabait kinuha ko ang kanyang cellphone number ibinigay naman niya sa akin. Sinubukan ko siyang ligawan at pumayag naman siya pero may girlfriend na ako nakipagbreak ako kay tin-tin noon at tinuloy ko ang panliligaw ko kay Lineth sinagot niya ako ng  july 11 at wala pang isang linggo nakipagbreak na din ako. Alam ninyo ba na ang lahat ng naging girlfriend ko ay mataas pa sa akin katulad na lang ni Lineth gagabalikat lang niya ako. 1st yr. natuto na ako magbisyo dahil na pasama ako sa mga tarantadong barkada sa school. Natuto na rin akong tumambay kasama ang lahat ng barkada at bago matapos ang taon napaaway pa ako sa 2nd yr. ehh wala pa naman akong alam sa mga away noon kaya sinabi ko sa aking kuya at pinuntahan ni kuya yun at kasama pa niya ang lahat ng barkada niya siguro mga isang buong classroom ang kasama ni kuya puro lalaki at pinaturo sa akin ni kuya kung sino ang kumorsunada sa akin pinasuntok ako niya kuya dun sa kaaway ko at dahil dun sinuntok ko naman siya…Simula noon lagi na niya akong tinatangoan pag nakakasalubog ko siya..

" Ako bilang isang Dizonian"
2nd yr na ko st.alphonsus ang section ko lahat ng nandun na lalaki ang puro tarantado kaya na pasama ako sa kanila at sila naman aking mga nakabarkada.. Dahil sa kanila nakilala ko si Janine isa sa mga sineryoso ko ginawa ko ang lahat para sa kanya lang alam ninyo ba na wala akong record ng suspention pero noong iniwan niya ako doon na bumalik ang dati kung ugali tapos pag sabado may misa lagi kami sa simbahang malaki at pagkatapos ng pagsisimba hindi na ako na uwi linggo na ng umaga ang uwi ko nun.. Kaya pag ako ay nauwi ng ganon lagi ako bugbog kay ina’y  kaya na pag isipan ko mag layas pero umuwi din ako tapos pag laging ganun ang ng yayari lagi ako naglalayas kasi yun lang ang alam kung dahilan para hindi na maulit pa iyon pero madami naring beses ako nag layas.. Akala ko pa nga noon ay mag rerepeat ako ng 2nd yr dahil ang dami kung bagsak noon pero sa awa ng diyos na katungtung pa ako ng 3rd yr sa liceo


" Ako ang bagong Bryan"
3rd yr na unang pasukan pa lang ang dami ko ng record ng suspented kaya month of august pa lang ay tumigil na ko.. Yun buong taon akong tambay dito sa amin at napasok naman ako sa isang fraternity hindi ko na babagitin kung ano ang sinalihan kung frat…


" Ako bilang 4th year student "
Nag enroll ako sa dizon high di pa nga sana ako papasukin doon kasi ang haba daw ng  buhok ko akala ko kasi pag public pwede ang lahat kaya ng pagupit na lang ako para makapasok lang ako doon… At dito na nag simula ang aking buhay sa dizon high nag karoon agad ng barkada akala ko mga matitino ang masamang kung barkada yun pala mga tarantado din at sa kanila ko nalaman na pwede pa lang cutting at mag sugal sa labas ng school.. Akala ko hindi ako makakapag 4th yr dahil ang dami kung bagsak apat ang bagsak  ko noon pero nag summer class ako para makapag 4th yr ako kahit na may bitbet kong dalawa…




"Ang Tropang Boogie"
4th yr na ako ang saya pala maging 4th yr kasi doon ko nakilala ang tunay kung mga barkada kahit na tarantada pa minsan minsan mababait naman sila at lagi kaming sabay sabay na uwi pag ka awas ng hapon ang pangalan nga pala ng aming barkada na boogie.. Ang tanging hiling ko lang ngayon ay ang makagraduate ako ngayong 4th yr…

"Ang nag-iisang Bryan Lontok"
Ako nga pala ay isang makulit magaslaw pasaway pero sa bandang huli ay mabait pala at mapag mahal na bata, barkada…