Huwebes, Pebrero 24, 2011

Ang Kwento ng isang Mhenjie Mandigma

" Ako po si Mhenjie =)"
   Ako si Menjie Mandigma ipinanganak ako noong Oktubre 30 1991 ngayon ako ay 19 na taong gulang .Bata pa lamang ako ay mulat na ako sa pagmamahal at pangaral ng aking mga magulang. Noon daw mahilig akong makilahok sa mga lalaki kaya napagkakamalan akong tomboy. Lagi daw lalaki ang kasama ko. 


    Unang beses kong pumasok sa elementarya Grade one ako nasa row one pa nga ako noon pero di nagtagal inilipat ako sa row four paiyak na nga ako noon dahil pakiramdam ko naiiwan ako sa mga tinuturo ng teacher ko.


    Grade two naman ako ng unang beses kong mapaaway sa school sobrang takot ko napaiyak ako. Di ko alam kung anung gagawin ko noon. Kaya pinagbati nalang kami ng aming teacher.. Mahilig din akong maglaro ng chinese garter noon minsan pa nga eh pagkauwi ko galing sa school naglalaro pa ako noon. 


     Tuwing bakasyon naman laro parin ang atupag ko. Minsan talaga puro lalaki ang kalaro ko. Mahilig din akong sumayaw at kumanta noon.
    
    Grade three medyo di na ako nakikihalubilo sa mga lalaki. Ewan ko nagbabago na yung isip ko para kasing nakakahiya wng sumama sa mga lalaki.


   Grade four na ako medyo makulit pa din ako noon. Pero mas napagsasabihan na ako. Kaya lagi akong napapagalitan dahil sa mga kaibigan ko. Gustong gusto nila akong kalaro di ko alam kung bakit.

   Grade five at last may masasabi na akong maganda kasi nanalo ako ng laban sa tula noo. Tuwang tuwa ang teacher ko. Pati ang mga kaibigan ko. Pinagmamalaki talaga nila ako.


   Grade six na ako . Ang bilis ng panahon diba dito ko unang beses naranasan ang magkaroon ng manliligaw sinulatan pa nga nya ako kung di ako nagkakamali ang pangalan nya ay Danjoe Lagdao. Tapus lagi na din akong nakikipagaway nun. Kaya inis na inis sakin ang mga kaklase ko.


" Ako noong unang taon ng High School"
  High School life na! Hahah!! Ang saya pala sa high school. First year ako noon at ang hinding hindi ko malilimutan noon ay nung nilifting ako nung convention namin. Ang payat ko pa noon eh. Tapus may kamuka pa daw akong teacher si Mam. Sarte lagi tuloy nila akong niloloko. Tapus nagkacrush pa ako noon sa isang teacher namin si Sir.Kenneth ang GWAPO KAYA NYA! hahaha! Tapus ang dami ko pang sinalihan na activity minsan pa nga napasali ako sa DOCSO ang kanta pa nga noon ay " IBON MANG MAY LAYANG LUMIPAD". Tapus nag away pa kami nun nung BFF ko kasi naman crush nya din yung crush ko. Yan tuloy napaguidance kami. Nakakahiya no.


  Di nagtagal napalipat na ako sa Dizon High Second Year ako noon. Di ko alam na habang nagtatagal nababa ang grade ko. Naawa na tuloy ako sa mga magulang ko. Kaya dahil ginusto kong magbago.


" Ako noong 3rd year ako"
  Third year na ako . Nung una mataas ang grade ko. Pero di nagtagal nagloko ulit ako napaka sakit nun para sa mga magulang ko. Kaya sobra nanaman akong nagsisi. Napatigil na ako ng tuluyan noon.

   Dahil doon napatigil ako ng dalawang taon. Pero dahil sa hiya ko sa mga magulang ko nagtrabaho ako kaya nakatulong naman ako kahit papaano. Yun nga lang sayang talaga yung pagaaral ko. May maganda din namang nangyari sakin nuon. Yun ay nang makilala ko si Mark Resaba. Ang love of my life! Nung una di kami nagseseryosohan may bf akong iba nun habang kami. Pero di nag tagal nagseryoso din ako sa kanya. 


   Tapos yun kami na nga. Kaya nagustuhan ko na ulit pumasok para makabawi sa mga magulang ko at the same time makasama si Gheloi. Dito ko din nakilala ang tropang Boogie na barkada ko. Sa kumidor kami  lagi nakatambay. May mga kinukuha pa akong subject sa thirdyear kasi di ko lahat naipasa. Lagi tuloy akong niloloko ng mga kabarkada ko. Pero okay lang alam ko namang biro lang yun. Marami pang nagdaan na problema at saya sa buhay nandyan nung nagaway kami ng bf ko. Pero di nagtagal naayus din naman. Sya na ang lalaking gusto kong mapangasawa kaya dahil nasa tamang edad na naman ako kahit di pa ako nakakatapos nangako na kami sa isat-isa na kami na talaga habang buhay. May mga dumating mang problema kakayanin namin yun .


   Syempre di mawawala sa wishlist ko nag makagraduate. Gustong gusto ko ng makatapos pero mahirap para sakin dahil marami pa akong subj na dapat ipasa. Kaya alam ko namang di pa eto yung panahon para umalis ako sa Dizon. Pero pipilitin ko talagang makatapos bilang sukli sa lahat ng tao na umaasa sa akin. 
   
At ako ngayon sa kasalukuyan
   Ngayon makakaalis na yung iba kong barkada pero ayus lang mas nagkaroon pa ako ng inspirasyon dahil sa kanila alam kong hindi ito dapat ang pinatakan ko. Pero nandito na ako. At wala na akong magagawa kung hindi ang harapin ito. 


    Dahil din sa mga nangyari sa buhay ko natutunan kong may magagawa pa ako hanggat alam kong kaya ko pa. Di ako susuko sa kahit na anong bagay na humadlang sa gusto kong daaning landas. Mas magiging matibay ako pangako. Hindi ko na ipapaubaya ang buhay ko sa salitang bahala na. 


   Salamat sa lahat ng tumutulong sakin upang maabot ko ang aking mga pangarap. Salamat sa pagiging parte ng aking buhay.
  
   Salamat po sa pagbasa sa aking buhay.


   


   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento