Biyernes, Pebrero 18, 2011

"KWENTO NG ISANG JOHN PAOLO M. BARGADOS"



  " Ang Pakikipagsapalaran ni Super Polonggoy"


" Ang cute na ako =) "
     Ika-9 noon ng Enero taong 1995 ng ako ay ipanganak sa bahay ng aking lolo. Ako ang unang apo ng aking lolo at lola. Unang pamangkin ng mga tiyo at tiya. At unang anak ng aking ama at ina. Nasakin ang atensyon ng lahat ng mga panahong iyon. Ako ang laging kalaro ng aking mga pinsan. Ako pa nga daw ang pinaka cute noong ako'y bata pa. Naalala ko pa noon sinasabi sa akin ng mga tambay na sa tuwing bibili daw ako sa tindahan at sinigawan nila ako ng "PORMA" naka pose daw agad ako. Daig ko pa daw ang Mr. Pogi noon. Baby palang ako talagang napaka kulit ko na. Isang araw nga daw noon habang ako ay nasa walker ko sa labas ng dati naming bahay. Naiwan ako ng aking yaya. At dahil sa kakulitan nahulog ako sa hagdanan buti nalang dumating ang idol kong tatay. Salamat sa kanya dahil kung di nya ko nasalo sa pagpatak ko sa 20 hakbang na hagdan daka lumaki akong bingot o ang mas malala di na ko tumanda.  
" PORMA "
          
Habang dumadaan ang mga araw,ang mga buwan at taon. Marami na akong natututunan. Natuto na akong maglakad kaya di ko na kailangan pang mga walker . Sabi nila noong ako ay bata pa mas madalas daw akong hawak at pasan ng aking yaya kesa sa aking mama. Siguro busy sya kaya ganun. Kasi nag-aaral sya noon. Si dady naman nagtratrabaho noon. Kaya si Tito Egay ang tumatayong tatay ko pag wala siya. Masaya na malungkot pero sa ngayun naiintindihan ko na. 


" Ako sa kasal ng aking tita "

            Dumaan pa ang mga taon. Masayo akong lumalaki sa pangangalaga ng mga taong nakapaligid sa akin. Di ako iyakin noong bata ako. Pero lagi akong barino. Yun ang sabi nila sakin. Lagi daw akong nagdadabog. Ang litrato sa taas ang nagpapatunay na sumpungin talaga ako. Ewan ko kung bakit kadalasan ng mga litrato ko nung ako ay  bata pa lang ay laging nakasimangot. Moody lang siguro talaga ako. 


      Wala na akong maikwento tungkol sa mga pangyayari sa aking buhay nung ako ay bata pa. Kaya tatalonan na natin yung iba pang taon na nagdaan sa buhay ko. 
                                                                                      
           Limang taon na ako sa litartong iyan. Hahaha. Habang tumatagal ata lalo akong pasama ng pasama. Limang taon marami na akong mga bagay na natuklasan. Limang taon ako ng una kong nakitang nag-away ang nanay at tatay ko. Hinding hindi ko malilimutan ng makita kong sinira ni dady ang radyo namin sa loob ng kwarto. Dahil sa bata pa ako noon hindi ako nakialam sa kanila. Basta nung nakita kong umalis si dady at naiyak na si mamy umiyak na din ako. Pero kahit ganoon wala akong sama ng loob na naramdaman sa kanila. Dahil siguro normal talaga yun sa mag-asawa. 


" Ang masayang ako =D "
         Pero syempre hindi naman sila araw-araw nagaaway kaya may masaya din namang araw ang nagdadaan. Sa edad kong ito mas naging malapit na sila sa akin. Pero ganun pa din ang ikot ng isatorya . Tuwing umaga si Lola Deling ang nagbabantay sakin sa pag-pasok ko sa Pre-School. Sa edad ko ding ito naranasan kong mapasukan ng pambura ng lapis sa ilong. Hahaha. Noong mga oras na nasaloob ng ilong ko ang pambura ng lapis iyak ako na iyak. Kaya sa tuwing naalala ko ngayun yon natatawa ako na naiinis. Ewan ko ba. Para bang napasok sa isip ko na mas mabuti pang nginatngat ko nalang yung pambura kesa ipinasok ko sa ilong ko.  
                                                                                            
 "Ng makatapos ako ng pre-school "
           Nakagraduate ako ng kinder sa Zamora Learning School. Saya din mag-aral dun ako natutong magsulat ng pangalan ko at mag drawing ng stick na tao. Minsan naman binibili ako ni mama ng coloring book na mga cartoons ang pinaka favorite ko noon ay ang Power Rangers at sa halip na kulayan ko yun mas masaya ako pag binabakat ko yung mga drawing. Panget kasi ako mag kulay. Tutal nasabi ko na din naman ang Power Rangers aaminin ko na din na adik  talaga ako dito . Gustong gusto kong manuod ng palabas na yun. Ang saya kasi. Gustong gusto ko ding maging si Red Ranger. Ako yung leader . Hahaha!! Lagi ko sinusuntok mga pinsan ko pag inaagawan nila ako ng kulay.
" Unang taon ko sa elementarya "
            
Pumasok na ulit ako pagdating ng pasukan sa San Pablo Central School . Noong una ayaw ko talaga pumasok lalo na nung nalaman kong mag-hapun na ang klase. Masaya rin pala Pilot B ako noon section Hello Kitty hahaha!! Inggit na inggit ako dun sa kaklase kong magaling magdrawing. Nuon kasi pinadalhan ako ni Tito ng isang coloring book na Small Soldiers . At dahil di ko naman kayang kulayan kasi nga ANG PANGET KONG MAGKULAY binigay ko yun sa kanya. Hiningi yung sakin ni Israel ( Kung di ako nagkakamali sya yung magaling magdrawing na kaklase ko ) Tapus inggit na inggit ako kasi kaya nyang idrawing at kulayan. Kaya nakipagkaibigan ako sa kanya. Masaya kasi sya yung kauna-unahan kong naging kaibigan bukod dun sa pinsan kong si Vanessa. Naging magkaibigan kami. Natuto akong mag drawing dahil sa kanya. Ang SAYA SAYA MEN! hahah!! Pero dahil din dun nahilig  akong mag-drawin at dahil din dun yun si Mr. Pambura ng lapis pumasok ulit sa ilong ko! Hay nako! Singa to the left and Hagod to the right nanaman ako! 


         Syempre si John Paolo maraming pinagdaanan ng elementary .Grade One ko nakilala ko si first crush ko. Hahaha. Si Ms. Sarah De Castro ata yun. Basta! Kasu sa kasamaang palad suplada si ineng tsss.. Pero ayus lang! Hahah!! First time ko rin dumugo ang ilong dahil sa suntok ng kaklase ko. Hahaha! Ang saya talaga.
            
        Grade Two hahaha!! Bumababa section ko. Tsss. Pero ayus lang kasamo ko naman si crush hahaha.. Tsk. Ang sama ko ng taong to. Nagdadala ako ng kutsilyo sa school.  Tsk. Kinukupitan si Lolo ng baon tapus nanghahalik ng kaklase. Napaka bad ko ng school year na to. Kaya nung nalaman ni lolo yun gulpe de gulat ako! Yan tuloy nadala!


       First time ko din mag binalot haahaha!! di ko naman kinakain at tinatapon ko lang! TSK TSK TSK! Sayang ang pagkain! Naalala ko tuloy ang pamatay na linya ni tita " ANG DAMI DAMING NAMAMATAY NA BATA DAHIL SA GUTOM MINSAN NGA KINAKALKAL PA ANG BASURA TAPUS IKAW SUSUBO MO NALANG DI MO PA MAGAWA! " .


    Pero nakilala din ako sa school sa positibong paraan nakilala ako dahil sa pag sasayaw ko. Kada break time ng tanghali di na ko kakain pupunta ako sa may ginibang canteen para makipagshowdown ng harlem at break dance sa ibang section . 


      Grade 5 naman ng umalis ang mama ko papuntang Dubai. Iyak ako ng iyak noon. Kada gabi sya tumatawag sakin. Si Dady ang naiwan magbantay para sakin. Yun ang pinaka matagal na panahon na nakasama ko si Dady. Lagi kaming naglalaro ng barilan Pellet Gun. Kaya lagi akong may pantal. Tinuruan nya din ako gumawa ng Fill Box. Hahaha! Ang saya . Pero isang araw napanuod ko si spider man sa DVD. Yes! The best ha! Kaya na inspired akong lumambitin. Nagkataon namang maraming bibitinan sa bahay namin. Ayun si Polonggoy natuwa bumitin. Kaso pagbitaw ko yun sala ang patak. Apat na tahi lang naman ang inabot ko dahil kay SpiderMan na yan! Kaya si Batman nalang ang idol ko!


               Nung grade six naman ako. May isa akong babaeng naging crush non! Di ko sya malilimutan. Nakaubub sya sa desk nung una ku syang nakilala. Sya si Dora kung tawagin. Patay na patay talaga ako sa kanya. Nung sumayaw ako ng family day sya hinanap ko. hahaha. Kaya full of energy ako nun!  


                Naka graduate ako ng elementarya ng may recognition dahil sa pagkakapanalo namin sa Mardigra . Hahaha! SUCH A WONDERFUL EXPIRIENCE!
                                                                                                                                                                                                                                                                  
" GOOD BYE CENTRAL =( "

       Nakatapos na ako ng elementarya. Malapit na akong maging ganap na binata! " YES, BINATA NA AKO! " . Sa Laguna College ako nag first year. Nakilala ako dito bilang si "Bargados" minsan Banguso ang tawag sakin. Yun kasi ang panloko nila sakin eh. Wala ako magagawa di naman kasi natin kayang pigilin ang isang bagay na masaya sa mata ng iba. Pero di ako sumuko. Pinilit kong makilala nila kung ano at sino ako. Pinakita ko ang talento ko sa pag-sayaw at ayun ang naging susi upang mabura ang bansag nila sakin . Masaya ako sa LC duon napahalagahan ng sobra ang mga talento ko. Lagi kami nakakakuha ng tropeyo pag lumalaban kami ng contest kalaban ang ibang year. Masaya talaga. May mga kalokohan din akong ginawa noon tulad ng pag-papashoot ng beads sa blouse ng teacher ko tuwing TLE "sana magamit ko din tong blog na to para makapagsorry sayo mam. SORRY" Dahil din sa kasikatan ng grupo namin noon sa LC napasama ako sa grupo ng mga GWAPINGS! Ang PLAY BOYS UNIT o ang P-UNIT.
Di naman ako gwapo pero nagawa kong makihalubilo sa kanila. Hahaa!! Sila ang naging mga tunay kong kaibigan sa taong iyon. Si Daryll, Micheal , Niko at Jopet. Dito rin nakilala ko si Micah. Hahah!! Ang babaing tanggap kung ano ako. Salaw pa kasi ako noon! Kaya di aakalain na mag-kaka gf ako ng ganoong itsura. To be honest! First year na ako pero tamad pa ako mag toothbrush. Kahit maglinis ng ilong di ko magawa. Nakakahiya! Di nagtagal nakatapos na ako ng firstyear. Salamat sa kulay na dinagdag ng LC sa buhay ko . 


" Ang aking natatanging IDOL "
Bakasyon na! Lahat ng bata masaya sa bakasyon! Lalo na ako. Kada bakasyon kasi naakyat kami sa bundok ng tatay ko.  Bonding time na namin yun. Atisan ang pinaka madalas naming puntahan. Dito mararanasan mong kumain ng Ginatan na Bayawak at Paniki. Sarap! Sarap! Talaga! Sa mga di na kakakilala eto ang aking tatay si Edgardo Bargados Jr. maskilala sa tawag na "GHADO" .
                                                               
     Noong bakasyon ding yoon ay naranasan ko ang isa sa pinaka malaking kalbaryo sa buhay ko .Nadukot si dady noon. Na Kidnapp kung baga.  Lagi naiyak si Mama. Lagi syang tulala. Nadukot sya dahil sa masyado na daw syang maraming dinabanggang sindikato. Isa kasi syang katiwala ng Hepe. Sya ang front man ng mga drug operation. Galit sya sa drugs. Pero kahit gaano sya kabuting ama at mamayan para samin. Masama parin sya sa mga taong kinakalaban nya. Malaki ang naging epekto nito sa buhay namin.Lagi kaming nag-aabang ng tawag at impormasyon.  Mahirap talaga. Di kami makakain ng ayos. Laging sya ang laman ng isip namin. 


      Hanggang sa isang araw tumawag sya samin. Nabigla kaming lahat! Sobrang saya namin noon. Daig ko pa ang nabigyan ng malaking halaga ng pera. Nakatakas daw sya sa tulong ng isang kaibigan. Ngunit kinakailangan pa nyang mag-tago para sa seguridad nya. Ayos lang samin kahit di kami lagi magkakasama. Basta alam naming nasa mabuting kalagayan ang idol ko, ang dady ko. 


" Si Samantha na pahed "
      Dahil sa nangyaring ito. Kami nalang ni mamy at Samantha ang natira sa bahay. Naging mas abala si Mama. Lalo syang nagpursigi na mag-hanapbuhay para samin ni Samanta. Si Samantha ang nakababata kong kapatid. Di kami magkasundo nan. Pero pareho kami ng talento,Ang sumayaw. Kaya siguro kahit papano masaya kaming dalawa pag nagkukulitan. Walang kuya ang gustong nakikita na nasasaktan ang kapatid nya. Pero minsan talaga di maiiwasang mapagbuhatan sya ng kamay. Sobra din kasing kalikot,parang ako.  




" Ang unang babae sa buhay ko "
           Habang tumatagal lalo kaming naapektohan. Si Mama wala ng oras para sa sarili nya. Ni wala na syang oras para makapag libang. Pero kahit ganoon masaya padin siya. Masaya ako at sila ang naging pamilya ko. Kahit minsan di maiiwasan ang magtampo at magbitaw ng mga pabulong na salita . Pero habang tumatagal ay maiintindihan mo na ganoon padin ang kalalabasan sila parin ang bumubuo sa buhay mo. Bilang isang anak nais ko pong ipakilala sa inyo ang aking Nanay na nagsilbing tagapagligtas namin. Sya si Marison Bargados ang butihing asawa ng idolo ko.    


" Joven , Jomark, Jaypee ( ORIGINAL J-KINGS) "
           Maging sa pag-aaral ko ay nakaapekto ang nangyari kay dady. Lumipat ako ng public school.  Sa Col. Lauro D. Dizon High School. Isang public school na hindi ko akalaing mas magiging makulay ang buhay ko. 2nd year ako ng lumipat ako dun. 2-J Kings yan ang bansag sa una kong barkadang sinamahan. Napaka saya, dito ako nakilala bilang "JAYPEE". Totoy padin ako ng mga panahong yun. Pero kahit ganoon. Malaki ang pinagbago ko dahil sa mga pinagdaanan ko. Hindi ako ang naging top sa klase. Pero isa ako sa pinaka aktibo. Salamat sa mga kaibigan kong sumoporta sakin. Sa mga kaklase kong nagbigay ng kulay sa buhay ko. 




" Si ULOL! "
           Sa Dizon High ko din unang nakilala ang girl of my dreams. Si Ms. Catherine Planilla Lirio. Alam ko di ko dapat ilagay ito dahil maaring mabasa ito ng mga taong ayaw ako para sayo pero parte ka na ng buhay ko at hindi ito makukumpleto kung wala ang pangalan mo dito. Sa mga hindi po nakaka alam siya lang po ang minahal ko ng sersyoso. Lahat po ng bagay at sakripisyo kaya kong gawin para sa kanya. Kahit puro problema titiisin ko. Kaya nung sinagot nya ako noong Oct. 23 2008 napaka saya ko.  Salamat. Isa yung pangarap na natupad. Pero syempre di maiiwasan sa relasyon ang maputol dahil sa mga bagay na talagang ginawa para pigilan kayo. Kaya dahil doon bago magtapos ang 2nd year naghiwalay kami. 


    Pero di pa dyan natatapos ang kwento ko noong Second Year ako. Dahil  muntikan na din akong magka letse-letse  dahil sa mga kaaway ni dady. Dahil di nila makita si dady ako daw ang pinuntirya nila. Kaya isang linggo akong hindi pumasok sa klase. Dahil nga daw may mga naghahanap sakin na lalaki. Pati ang kapatid ko nadamay. Kaya pumasok sa isip kong hindi kami kagaya ng ibang bata na malayang makakapaglaro kasama ng mga kaibigan. Kaya lahat ng bagay nagkaroon ng limitasyon.
           
" Si Dady at Kuya Bayo kasama ko sa atisan "
      Bakasyon uli. Hahhaa!! Syempre ang saya akyat ulit ng bundok men! Nakasama ko ulit ang idol ko! The best talaga sa bundok. Walang tatalo sa pag akyat ng bundok! Syempre lalo na at kasama ko si idol! Sarap ng paniki! Tapos kakain ka ng hindi lutong corn beef sa dahon ng saging.  THE BEST! At dito ko din nakita ang pinaka magandang Sunrise at Sunset kaya sabi ko sa sarili ko na dadalhin ko dun ang babaeng mapapangasawa ko. Namiss ko talaga lahat ng bagay na makikita sa bundok. 


" ONE OF THE BEST VIEW "
      
     Noon ding bakasyon na yoon bininyagan ulit ako. Di bilang kristyano pero bilang Triskelion.
" THE ORIGINAL BROD BROTHERS "
Dumaan ako sa ritual ng Tau Gamma Phi . Sabi nila walang mapapala dito. Pero parte na ito ng buhay namin ni Dady. Sumali ako bilang anak nya. Dahil pangarap kong humalili sa kanya. Sa mga nagawa nya sa kapatiran. Dahil din dito nakapagbuo ako ng isang dance group ANG BROD BROTHERS na kinabibilangan ng mga kapwa ko Triskelion. Ang saya! Kami ang inaabangan sa mga party sa barangay namin. Dahil din sa kapatiran mas may nagawa ako sa barangay. Alam kong magagawa ko yun kahit walang kapatiran pero mas masaya kung kasama ko sila.
  
" Ang kumpletong pamilya "
           Nung bakasyon ding yun nakupleto ulit kaming pamilya. Nung nagswimming kami sa La-Iya. Kasama ang lahat ng kabaranggay. Ang saya ko nun . Ang saya naming pamilya noon. Namiss ko talaga yun. Dahil din sa ganda ng lugar na yun. Nadagdagan nanaman ang pangarap ko! Yun ay ang makasama ang mapapangasawa ko sa tabing dagat. Ewan ko. Kahit ako nababaduyan dun. E! Bakit ba yun ang pangarap ko. Walang pakialamanan.


       Pasukan na ulit 3rd year na. Hahaha! Isa to sa mga miserableng parte ng highschool life ko. Dahil dito ako unang beses na sobrang naging sakit ng ulo ng nanay ko. Dahil pakiramdam ko sa uri ng buhay ko . Kulang ako sa kalayaan kaya nagawa ako ng oras para mag-enjoy naman kahit papaano. Dahil gusto kong maranasan mamuhay ng normal yung walang pinagtataguan na mga kaaway at walang problemang at paghihigpit sa bahay. 


      Nahuli pa ako ng DSWD dahil nahuli akong nakatambay sa inuman ng oras ng klase. Untikan na akong tumigil sa pag-aaral dahil doon. Nag-sisi ako ng sobra dahil doon. Kaya pinakita kong kaya kong magbago. Sobra talaga akong nagsisi. 
   
" Ako at si ULOL "
       Noon ko  naisip na sila talaga ang nakakalam ng makabubuti para sakin. Kaya nagbago ako at nag-bawi. Pinilit kong itaas ang marka ko para naman mahila ko yung mababa kong marka. Nagkabalikan din kami ni Catherine . Para samin walang paghihiwalay na nangyari dahil alam naman namin na mahal pa namin ang isat-isa kahit di kami nagkakasama. Para bang kinailangan lang namin munang maglayo. Dahil doon nakapagdiwang pa kami ng aming 1st anniversary. Ang saya ko noon. Unang beses kong nahawakan ang kamay nya! At unang beses ko din syang nayapos! Ganoon ko sya ginagalang. Isang taon pa ang inintay ko para lang magawa ko yun sa kanya. Pinangako ko rin na magbabago ako para sa kanya. 
 
          Pumunta din kami sa Lola at Lolo ko sa Tiaong. Pinakilala ko sya sa kanila at nagustuhan sya ng lolo at lola ko. Ang saya-saya ko noon. Doon ko din sinabi sa kanya lahat ng bagay tungkol sa tatay ko. Pinakita ko din sa kanya ang  natutunan ko sa tatay ko. Ang paggamit ng baril . Pero di ko akalain na ito pala ang magiging dahilan ng paghihiwalay namin ulit. Dahil sa nalaman ito sa kanila. Nagalit sila kay Cath. Pakiramdam ko tuloy ako ang dahilan ng lahat. Naging mahigpit na sila kay Cath simula noon. Dito ko po unang sasabihin na sobra akong humihingi ng tawad sa nagawa ko. Sa lahat . Sorry po . Pinilit kong magbago para sa kanya. Pero gusto ko pong malaman nyo na mahal ko po talaga sya.  Sorry po ulit.


        Yun na nga. Wala na ulit kami pero mahal na mahal ko pa din sya noon. Dumating ang bakasyon. Masaya ako dahil nakaalis ako sa third year. Pero malungkot dahil nalayo uli sya sakin.


        Nadagdagan pa ang bigat ng dinadala ko. Mahal na araw noon sa Kinabuhayan. Pumunta kami doon para magpalipas ng mahal na araw at mamasyal na din. Ang daming tao. Bigla nalang nagtxt ang dady ko sakin na pupuntahan daw nya ako dun. Pumayag ako kasi miss na miss ko na sya noon. Nakasama ko ulit sya hhaaha!! At sa bundok ulit. Nagikot kami.  Noon lang kami nakapagala ng walang pangamba ewan ko kung bakit. Ang saya ko nun hanggang sa maghiwalay kami kasi uuwi na sya. Baka marami pang makakita sa kanya. Tumaas na ulit ako sa tent namin binigyan pa nga nya ako ng pera. Tapos makalipas ang ilang oras may dumating na balita may dinukot daw sa baba ng bundok. Nagpakilala daw na pulis yung dumukot. Kinabahan na agad ako naisip ko agad si dady. Di na ko nagdalawang isip na bumaba ulit ng bundok. Halos ilang beses din akong nadapa bago makababa ng bundok. Pinuntahan ko yung bahay nung kaibigan ni dady para magpasama. Una kaming pumunta sa barangay hall sabi nung tanod sa amin dun daw kami pumunta sa police station. Pag dating namin sa Police Station nakita ko kaagad yung motor na nakataklob ng tingnan ko yung plaka kay dady nga. Paiyak na ko noon ng biglang lumabas yung pulis at hinawakan ako tinanong nya kung bakit ko daw tinitingnan yung motor na yun dahil sa takot nagdahilan ako. Tapus binitawan nya ako . Umaakyat ako ng bundok habang naiyak .
 
   Isa yun sa hindi ko malilimutang pangyayari sa buhay ko. Noon lang ako naging sobrang takot sa tala ng buhay ko. Pakiramdam ko din kung hindi ako pumunta doon siguro hindi makikita doon si dady ng mga kaaway nya.


   Dapat daw wala na kaming dady ngayon dahil dapat daw papatayin na noon ang dady ko. Pero dahil maraming nakakita sa pagkakadukot sa kanya at napigil pa ng mga lola ko ang mga gustong pumatay kay dady, Isinakay si dady sa sasakyan at dinala sa isang lugar. Dahil sa hindi nila natuloy ang balak nila pinalabas nilang isang wanted si dady at pinagbintangan sa kasong di nya ginawa. Kaya dahil doon nakakulong ang dady ko ngayun dahil sa kasalanang di nya ginawa. Hindi ako nahihiyang sabihin ito sa inyo dahil ako mismo ay kampante na mabuting tao ang tatay ko. Alam kong hindi nya kayang gawin ang mga bagay na binibintang sa kanya. 


     Dahil din dito naging disidido ako na magtapos ng pagaaral at piliting makatapos ng kursong alam kong may maitutulong sa tatay ko.


 " Ang natatanging ako "
     Dumating na ang kasalukuyan 4th year na ako. Ang huling yugto ng "Highschool Life" ko. Unang pinaka mahalagang nangyari sakin ay ang pagkakaroon ko ng bagong kaibigan ang Tropang Boogie sila ang nagbibigay saya sakin araw -araw . Di ako mauubusan ng tawa pag sila ang kasama ko. Hindi ko na kayo iisa-isahin pa dahil alam nyong kahit anong mangyari di ko man isama ang pangalan nyo dito kasama na ang mga pangalan nyo sa buhay ko. 
" T-SHIRT LOGO NA GINAWA KO "


   Syempre di mawawala ang section ko. Ang 4-I ang natatangi at pinakaastig! Pinaka pasaway at pinaka masayang section para sakin. Salamat sa suporta nyo sakin mga pare at mare. Mahal na mahal ko kayo. Salamat sa pagiging parte ng buhay ko. 




    Ang sunod ay ang pagbabalik sakin ng aking mahal . Ewan ko di ko talaga kayang mabuhay ng wala sya eh. Nakapagdiwang pa ulit kami ng 2nd Anniversary sa tulong ng Boogie at ng tambayan namin ang KUMIDOR NI HENKAT. Ang saya ko noon kahit may nakakainis na nangyari. Basta alam kong mas napahalagahan ko sya. Eto nga pala yung isang simpleng regalo ko para sa kanya noon.
                 
" SI CHAIRMAN WITH HIS COUNCILORS "


         Fourth Year ako ng tumakbo akong SK Chairman masaya pero mahirap din. May mga kalaban pero politika yan eh. Kaya talagang maraming kalaban. Lubos ang pasasalamat ko ng ako ay nanalo. Naramdaman ko talaga ang suporta sakin mga kaibigan ko. Ang saya ko talaga noon. Pati si dady masaya din. Para sakin ang paninilbihan sa barangay namin ay nakatatak na sa pamilya namin.                                             


 " ANG NASTYFIED CREW "
   Fourth Year din ako ng mabuo namin ang isa sa pinakapinagmamalaki kong grupo ang NASTYFIED CREW. Ang grupong ito ang nagbibigay sakin ng kakaibang kasiyahan. Mga bagay na sa pagsasayaw ko lang nararamdaman. Isang pangako ang iniwan namin sa isat-isa ang pagtaas ng aming naabot ngunit di ibig sabihin nito isa ka ng tore na kayang sinuhin ang kahit na sino. Hindi lalaki ang ulo namin pangako. Kami ang representante ng DIZON HIGH pagdating sa Hip Hop . Ang sarap talaga naipakilala namin ang mga DIZONIANS sa ibat-ibang school.
                   
               Pero dahil din sa pagsasayaw ko may mga bagay na di ko matanggap. Yun ay ang pagtanggap na hindi ako pedi mamuhay ng normal. Masyadong delikado sakin ang umalis ng bahay tuwing gabi. Nasaktan ako ng sinabi sakin yun ng nanay ko. Sinabi nyang hindi ako normal. Hindi ako pedi mamuhay ng katulad ng iba. Gusto kong tanggapin at intindihin pero gusto ko din namang maranasan yung mga bagay na nagagawa ng iba. Kaya lalong lumaki ang galit ko sa mga taong naging dahilan ng pagiging ganto ng buhay ko at buhay ng aming pamilya.


" Ako sa kasalakuyan "
              O sya! Tama na ang drama magtatapos na ako eh. Malapit na ako grumaduate ng sekondarya. Malapit na akong mag kolehiyo at mas malapit na rin ako sa pangarap ko. Konting hakbang nalang. Alam ko mahirap ang kolehiyo pero ito lang yung magagawa ko para sa pamilya namin.
              Sa labing anim na taon kong nabuhay sa mundo marami akong natutunan. Ang pagtanggap sa mga bagay at pagsubok na binibigay sayo. Ang hindi pagsuko sa mga bagay lalo na at alam mong para sayo ito. Ang pagtitiis para sa minamahal mo. Ang pagsangayon sa kasabihang nasa huli ang pagsisisi. Ang kahalagahan ng edukasyon sa buhay ng tao. Ang pagtanaw ng utang na loob. Ang kahalagahan ng kumpletong ang pamilya. Ang pagpigil ng luha sa tuwing sasapit ang pasko at mga okasyong importante sa buhay dahil sa kulang ang mahal ko sa buhay. At ang pagpapasalamat sa mga taong pinangalagaan ako. Maraming salamat sa inyo. Sana ay hindi nyo ko iwan sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan ko. 


Maraming salamat po sa pagbasa sa buhay ko. =)

2 komento:

  1. ah..andrama ni kuya,,
    bilib tlga acu sau at nalampasan mu yan..
    idol tlga kita..
    bsta huh..
    nand2 lang kme pra sau;)

    TumugonBurahin
  2. hais nako kuya,,
    inabangan cu tlga yan..
    bilib tlga acu sau..cung skin nangyare yan ai..
    bka baliw na q ngaun..
    idol tlga kita:)

    TumugonBurahin