Miyerkules, Pebrero 23, 2011

TALAMBUHAY NI CHRISTIAN LINDO

" Ako at ang aking Nanay "
    Ako po si Christian Lindo pinanganak noong Setyembre,14,1993. Ako po ay pumasok ng day care sa paaralan ng San Diego,San Pablo City. Sa tuwing pupunta ako sa school hindi maaring wala akong baon lalo na hindi maaring umalis ang nanay ko sa tabi ko.Lagi akong nakasilip sa bintana dahil sa nanay ko. Lagi akong naiyak pag wala sya sa tabi ko.


   Noong ako po ay pumasok ng kinder garden ay natatakot po ako sa room namin gawa po ng nasa likod kasi ng school at tinatakot kami ng aming magulang sabi kasi sa amin may aswang daw kaya lagi ako nagpapahatid sa nanay ko.Masaya din naman kahit ganun. Nakagraduate ako at sa tuwing tinatanung kung ano ang ambisyon namin ang lagi ko lang sagot ay ang mga katagang " WHEN I GROW UP I WANT TO BE A POLICEMAN".


"Ako at ang anak ng aking teacher"
   Noong grade one naman ako lagi akong kinukuhan escort sa aming paaralan at ang muse naman ay ang pamangkin ng aking teacher. Lagi kaming nananalo sa intarmurals kalaban ang iba pang grade. Masaya sa tuwing lalakadin namin ang arko ng San Diego hanggang arko ng Sto. Angel at pinagtitinginan kami ng mga tao.


   Nang ako naman ay grade two na lagi padin akong hinahatid ng nanay ko. Suportado nya ako sa lahat ng gusto kong gawin. Lagi nya akong tinuturuan sa mga assignment ko. Unang beses ko rin naranasan noon ang mapagalitan ng teacher. Dahil sa kaklase ko na nagsumbong na sinuntok ko daw siya. Sinabi ko naman ang totoo na wala akong ginagawa sa kanya ngunit nagalit padin ang teacher namin. Pinagpasensyahan ko nalang siya.


"Ako noong ako ay elementary"
   Grade three naman ako ng halos hindi ako pumasok ng mataming araw. Dahil sa mabait kong katabi ko na naghawa ng bulutong tubig sa akin. Noong una hindi ko alam na bulutong tubig pala yun kaya kinukutkot ko pa. Tapos nakita ng nanay ko. Ang hirap pala ng merong bulutong tubig bawal ka maligo at bawal ka ding tumapat sa electric fan dahil sa lagnat. Nang ako ay pagaling na pinaliguan ako ng maligamgam na tubig ni inay. Nakapasok ako ng maayus ang bulutong tubig ko. Nakakainis pa dahil pag-pasok ko nakaaway ko pa ang pinsan ko. Nanunuod lang naman ako ng pagdradrawing nya ng bigla akong sinuntok sa muka. Parehas na kaming napagalitan nahigit pa ang patilya namin. ANG SAKIT TALAGA! Umiyak nga ako dahil dun. Ang sakit kayang hilahin ang patilya.


  Grade four katulad lang ako ng ibang bata na mahilig maglaro. Ang pinaka gusto ko ay ang basketball di ako magaling magbasketball pero maalam ako. Maging ang sikyo at habul-habulan ay kinaadikan ko din. Ang saya! Pero sa tuwing nakakagawa kami ng hindi maganda palo sa palad ang abot namin. Ang sakit sa kamay! Ang init sa pakiramdam! Pero tuloy padin kami lagi kaming naghahanap ng gagamba sa sukalan minsan niyog din ang hanap namin pag-nakarami kami pinagbebenta yun tapus pinangmemeryenda. Lagi din kaming inaabot ng gabi ng kapatid ko sa kapit-bahay at dahil takot kami sa dilim kailangan pa kaming sunduin para lang makauwi.


   Grade five naman ako ng ako ay mapasali sa banda ang aking pinatutugtog na instrumento ay ang pinakamalaking base drum. Minsan natugtug kami sa may kapitolyo minsan naman sa plaza.Babalik kami ng school sakay ng jeep kami ang pinakamaingay lalo na pag paalis na ang jeep. At syempre matapos ng matagal na pagtugtog papameryendahin naman kami sa school.


    Tuwing bakasyon naman ay nasa bahay lang ako minsan lang akong gumala. Mas madalas kaming magkasama ng tiyo ko manguha ng niyog para ipagbili minsan naman pag nakakadagit yung kalapati namin ginagawa naming arozcaldo.


" Ako nang makatapos ako ng elementarya"
    Grade six na ako malapit ng grumaduate. Paborito ako ng teacher ko lagi kaming nagpapatugtog noon pagkatapos ng klase. Intrams ng nagpalaro ang mga teacher ko basketball. Maging ang mga babae ay naglaro din ng basketball noon. Natalo namin ang grade 4 at grade 5 kami ang nagchampion. Lagi din kaming nag-gagarden noon ang tanim namin ay okra,sitaw at iba pang uri ng gulay. Ang taas lagi ng grade ko. Ako ang pinakamataas sa buong klase. May bahay din kami sa Sta. Isabel at San Diego noon. Lagi din akong nauwi doon.  Pagdating ko naman sa bahay diretso na ako sa basketbolan . Araw ng graduation napakamalas ko dahil nilalagnat pa ako! Ang malas talaga!


   Dumating na ang enrollment sa Dizon High ako nag enroll. Masaya daw kasi duon.Unang araw ng pasukan wala pa akong kakilala. Ang hirap dahil wala akong makausap. Pero makalipas ang ilang araw nagkaroon na ako ng kaibigan. Sa tuwing aawas kami ng tanghali diretso na kami sa basketball court. Tapos diretso na kami sa skul pagkatapos. Di kami nagcucutting nuon pero bumagsak padin ako sa Science kaya wala na akong magagawa kundi mag summer nakapasa  naman ako sa SPC ang hirap pala mag summer tapus ang lawak pa ng school. Nakakatamad mag-gala kasi puro hagdan.


  Second year ako hahah! Kokonti lang ang mga kaibigan ko . Di ko kasi gusto ugali nila. Kaya minsan lang ako sumama sa kanila. Pero minsan pag-awas sumasama ako sa kanila pag napunta dun sa bahay ng kaklase naming babae nagiisa lang daw kasi sya lagi dun. Tapus pagkatapos kumain nagkayayaan na silang maginum nakakahiya naman silang tanggihan kaya yun napainum ako ng Tanduay first time ko noon naginum pero di ako lasing yung isa naming kabarkadang babae lasing na lasing. sya...  Nagpahulas muna kami bagu pumasuk. Nakakatuwa talaga nun . Pumasok kaming kabado dahil sa kaklasi namin. Yun na nga  nakapasok naman kami pero tulala parin yung kaklasi ko tapus bigla syang tinawag ng teacher namin wala syang kibo kaya sinigawan namin sya.


   Third year na pala kami ang bilis ng panahon nagkahiwahiwalay kami ng mga kaklase ko. Isa lang ang naging kaklase ko ulit sya yung lagi kong kasama noon.Kada matatapos ang klase kami ang magkadikit. Tapos di nagtagal dumami kami lagi kaming nagiinum sa bahaykubo nung barkada ko pag halfday kami. Minsan nga nagkakayakagan pa kami ng mga barkada ko samin. Lagi silang nandun inaabut na nga sila ng gabi. Sa tuwing inihahatid ko ang mga babae sa sakayan naiiwan naman ang mga lalaki samin inaabot kami ng gabi pagiinum at pagvivideoke.  Kala ko pa nga noon di na ko makakapasa ng Science pero mabait naman yung teacher namin kaya binigyan kami ng removal activity. Ayun nakapasa na ako. Salamat kay mam.


   Bakasyon na nakursunadahan pa kami ng lasing sa amin. Tinuukan kaming magkakabarkada ng baril. Buti nalang mabait pa si Lord at di nya kami pinabayaan. Untikan na kami dun!


    Ang bilis talaga ng panahon ngayon Fourth year na ako nagkaroon nanaman ako ng bagong kaibigan syempre nandyan parin yung luma. Ang saya ng samahan namin kulitan dito bargasan doon. Kaso minsan napapagalitan na kami ng mga teacher pati sa C.A.T nayayari kami lagi kaming may parusa. Sana naman makapasa ako ngayon at makagraduate. Salamat sa mga taong naging bahagi ng buhay ko. Maraming Salamat.


   
  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento