Mga pare at mare.. mga kapatid ko.. salamat sa masayang pangyayaring naidadagdag nyo sa buhay ko.. kayo ang mga pinaka bago kong kapatid.. Salamat sa pakikinig sakin sa mga bagay at pagsunod at pakikioperate sa mga activities.. Masaya akong naging parte kayo ng buhay ko.. Alam nyo habang binabasa ko ang mga blog nyo.. Di ko maiwasang malungkot.. Na sa isang iglap mawawa nanaman ang mga kaibigan at mga taong tinuring kong kapatid.. Masaya rin akong proud kayo sa seksyon natin di na mawawala ang trademark nating tayo ang pinakamagulo.. Pero wala tayung magagawa kasama yun e.. Habang nakikilala ko kayo mas natatanggap ko ang bawat pangyayari na naganap sakin. Minsan talaga may mga problema tayong kinakaharap.. Pero lagi nyong tatandaan na pagsubok lang yan.. Pasensya na rin kayo sakin kung minsan sobra na ako magbiro minsan nakakasakit na ako.. Pasensya na kayo.. Napakahalaga nyo sa buhay ko.. Salamat sa isang taon ng magandang samahan. Sana matupad ang mga pangarap natin... Nandito parin ako para tumulong sa inyo.. Mamimiss ko ang lahat lahat.. Ang lumilipad na mga papel.. Buto ng sampaloc.. Libreng pulbo at papel para sa lahat.. Malulutong na mura at asaran.. Mga umaalingasaw na utot.. At ang mga masasayang muka nyo.. Salamat sa inyo.. Mahal na mahal ko kayo! PROUD TO BE FOUR INTERNATIONALS ...
-- John Paolo Bargados. =)
"Talambuhay Bilang Pangaral"

Miyerkules, Marso 23, 2011
WELCOME TO OUR BLOG =)
Narito po ang kwento ng aming mga buhay. Mga kwento na kapupulutan ng aral. At kakikitaan ng ibat-ibang kulay ng buhay.Samahan nyo kaming balikan ang aming buhay. =)
Sabado, Pebrero 26, 2011
Ang Kwento ng isang Chamille Ambay
![]() |
Ako si Chamille. =) |
1st yr ako nag kaboyfriend na ako nung ako ay 1st. yr. balugain pa ako nun pero hindi ko minaasahang may nag kakagusto pa sakin at ayun nga naging 1st.boyfriend ko si 'arnold'' pero hindi naman kami nag tagal dahil bata pa kamim pati marami pa akjong hindi alam sa love sa pag pasok sa mga magugulong sitwasyon katulad nitong pagmamahalan....
2d. yr naman ako single ako nitong buong taon dahil study 1st. before boix ika nga. masaya ako dahil dumami ang mga kaybigan ko tapos habang kami ay makain ay para akming isang pamilya sa isang malaking bahay... ang saya ko at nag ayos na rin ako sa sarili ko para nga akong sumasabay sa uso nun ehh kung ano ung ''in'' dun ako......hahahahahah
![]() |
Ako noong 3rd Year |
![]() |
Ako at ang aking minamahal na 4- I |
4th. yr na ako ngayon at graduating na sa wakas ang saya nito 4th yr. na dahil new expireints na naman. ang saya nung kami ay nag cheering lahat walang k-j samin dahil lahat kami always on the go...hahhahah! ang cute nga nung t-shirt namin ihh.... and feb 11,2011 ay js namin ang saya namin kahit kami ay kakaunti na pero masaya lahat nbg crush ko ay nakasayaw ko lalo na ung last dance ko ay si''paolo cano'' ang pogi nya at tinitigan ko sya haiii ang whafuuu talaga nya...tapos bongga ung mga suot at lalo na ung mga concept...at ito ung pinaka magandang js.......at ang saya naming kumain pero halos lahat hindi naubos ang mga meal dahil hindi masarap lalo na ung pancit ang tigas tigas.....tapos kumuha sila ng prutas sa gitna ng sayawan ang sarap si baldo di ba kabayo yun pero ang kinuha ay saging naging unggoy tuloy...hahahahhahahahahha......
Huwebes, Pebrero 24, 2011
Ang Kwento ng isang Mhenjie Mandigma
![]() |
" Ako po si Mhenjie =)" |
Unang beses kong pumasok sa elementarya Grade one ako nasa row one pa nga ako noon pero di nagtagal inilipat ako sa row four paiyak na nga ako noon dahil pakiramdam ko naiiwan ako sa mga tinuturo ng teacher ko.
Grade two naman ako ng unang beses kong mapaaway sa school sobrang takot ko napaiyak ako. Di ko alam kung anung gagawin ko noon. Kaya pinagbati nalang kami ng aming teacher.. Mahilig din akong maglaro ng chinese garter noon minsan pa nga eh pagkauwi ko galing sa school naglalaro pa ako noon.
Tuwing bakasyon naman laro parin ang atupag ko. Minsan talaga puro lalaki ang kalaro ko. Mahilig din akong sumayaw at kumanta noon.
Grade three medyo di na ako nakikihalubilo sa mga lalaki. Ewan ko nagbabago na yung isip ko para kasing nakakahiya wng sumama sa mga lalaki.
Grade four na ako medyo makulit pa din ako noon. Pero mas napagsasabihan na ako. Kaya lagi akong napapagalitan dahil sa mga kaibigan ko. Gustong gusto nila akong kalaro di ko alam kung bakit.
Grade five at last may masasabi na akong maganda kasi nanalo ako ng laban sa tula noo. Tuwang tuwa ang teacher ko. Pati ang mga kaibigan ko. Pinagmamalaki talaga nila ako.
Grade six na ako . Ang bilis ng panahon diba dito ko unang beses naranasan ang magkaroon ng manliligaw sinulatan pa nga nya ako kung di ako nagkakamali ang pangalan nya ay Danjoe Lagdao. Tapus lagi na din akong nakikipagaway nun. Kaya inis na inis sakin ang mga kaklase ko.
![]() |
" Ako noong unang taon ng High School" |
Di nagtagal napalipat na ako sa Dizon High Second Year ako noon. Di ko alam na habang nagtatagal nababa ang grade ko. Naawa na tuloy ako sa mga magulang ko. Kaya dahil ginusto kong magbago.
![]() |
" Ako noong 3rd year ako" |
Dahil doon napatigil ako ng dalawang taon. Pero dahil sa hiya ko sa mga magulang ko nagtrabaho ako kaya nakatulong naman ako kahit papaano. Yun nga lang sayang talaga yung pagaaral ko. May maganda din namang nangyari sakin nuon. Yun ay nang makilala ko si Mark Resaba. Ang love of my life! Nung una di kami nagseseryosohan may bf akong iba nun habang kami. Pero di nag tagal nagseryoso din ako sa kanya.
Tapos yun kami na nga. Kaya nagustuhan ko na ulit pumasok para makabawi sa mga magulang ko at the same time makasama si Gheloi. Dito ko din nakilala ang tropang Boogie na barkada ko. Sa kumidor kami lagi nakatambay. May mga kinukuha pa akong subject sa thirdyear kasi di ko lahat naipasa. Lagi tuloy akong niloloko ng mga kabarkada ko. Pero okay lang alam ko namang biro lang yun. Marami pang nagdaan na problema at saya sa buhay nandyan nung nagaway kami ng bf ko. Pero di nagtagal naayus din naman. Sya na ang lalaking gusto kong mapangasawa kaya dahil nasa tamang edad na naman ako kahit di pa ako nakakatapos nangako na kami sa isat-isa na kami na talaga habang buhay. May mga dumating mang problema kakayanin namin yun .
Syempre di mawawala sa wishlist ko nag makagraduate. Gustong gusto ko ng makatapos pero mahirap para sakin dahil marami pa akong subj na dapat ipasa. Kaya alam ko namang di pa eto yung panahon para umalis ako sa Dizon. Pero pipilitin ko talagang makatapos bilang sukli sa lahat ng tao na umaasa sa akin.
![]() |
At ako ngayon sa kasalukuyan |
Dahil din sa mga nangyari sa buhay ko natutunan kong may magagawa pa ako hanggat alam kong kaya ko pa. Di ako susuko sa kahit na anong bagay na humadlang sa gusto kong daaning landas. Mas magiging matibay ako pangako. Hindi ko na ipapaubaya ang buhay ko sa salitang bahala na.
Salamat sa lahat ng tumutulong sakin upang maabot ko ang aking mga pangarap. Salamat sa pagiging parte ng aking buhay.
Salamat po sa pagbasa sa aking buhay.
Miyerkules, Pebrero 23, 2011
Ang kwento ng buhay ni Bryan Lontok
TALAMBUHAY NI CHRISTIAN LINDO
![]() |
" Ako at ang aking Nanay " |
Noong ako po ay pumasok ng kinder garden ay natatakot po ako sa room namin gawa po ng nasa likod kasi ng school at tinatakot kami ng aming magulang sabi kasi sa amin may aswang daw kaya lagi ako nagpapahatid sa nanay ko.Masaya din naman kahit ganun. Nakagraduate ako at sa tuwing tinatanung kung ano ang ambisyon namin ang lagi ko lang sagot ay ang mga katagang " WHEN I GROW UP I WANT TO BE A POLICEMAN".
![]() |
"Ako at ang anak ng aking teacher" |
Nang ako naman ay grade two na lagi padin akong hinahatid ng nanay ko. Suportado nya ako sa lahat ng gusto kong gawin. Lagi nya akong tinuturuan sa mga assignment ko. Unang beses ko rin naranasan noon ang mapagalitan ng teacher. Dahil sa kaklase ko na nagsumbong na sinuntok ko daw siya. Sinabi ko naman ang totoo na wala akong ginagawa sa kanya ngunit nagalit padin ang teacher namin. Pinagpasensyahan ko nalang siya.
![]() |
"Ako noong ako ay elementary" |
Grade four katulad lang ako ng ibang bata na mahilig maglaro. Ang pinaka gusto ko ay ang basketball di ako magaling magbasketball pero maalam ako. Maging ang sikyo at habul-habulan ay kinaadikan ko din. Ang saya! Pero sa tuwing nakakagawa kami ng hindi maganda palo sa palad ang abot namin. Ang sakit sa kamay! Ang init sa pakiramdam! Pero tuloy padin kami lagi kaming naghahanap ng gagamba sa sukalan minsan niyog din ang hanap namin pag-nakarami kami pinagbebenta yun tapus pinangmemeryenda. Lagi din kaming inaabot ng gabi ng kapatid ko sa kapit-bahay at dahil takot kami sa dilim kailangan pa kaming sunduin para lang makauwi.
Grade five naman ako ng ako ay mapasali sa banda ang aking pinatutugtog na instrumento ay ang pinakamalaking base drum. Minsan natugtug kami sa may kapitolyo minsan naman sa plaza.Babalik kami ng school sakay ng jeep kami ang pinakamaingay lalo na pag paalis na ang jeep. At syempre matapos ng matagal na pagtugtog papameryendahin naman kami sa school.
Tuwing bakasyon naman ay nasa bahay lang ako minsan lang akong gumala. Mas madalas kaming magkasama ng tiyo ko manguha ng niyog para ipagbili minsan naman pag nakakadagit yung kalapati namin ginagawa naming arozcaldo.
![]() |
" Ako nang makatapos ako ng elementarya" |
Dumating na ang enrollment sa Dizon High ako nag enroll. Masaya daw kasi duon.Unang araw ng pasukan wala pa akong kakilala. Ang hirap dahil wala akong makausap. Pero makalipas ang ilang araw nagkaroon na ako ng kaibigan. Sa tuwing aawas kami ng tanghali diretso na kami sa basketball court. Tapos diretso na kami sa skul pagkatapos. Di kami nagcucutting nuon pero bumagsak padin ako sa Science kaya wala na akong magagawa kundi mag summer nakapasa naman ako sa SPC ang hirap pala mag summer tapus ang lawak pa ng school. Nakakatamad mag-gala kasi puro hagdan.
Second year ako hahah! Kokonti lang ang mga kaibigan ko . Di ko kasi gusto ugali nila. Kaya minsan lang ako sumama sa kanila. Pero minsan pag-awas sumasama ako sa kanila pag napunta dun sa bahay ng kaklase naming babae nagiisa lang daw kasi sya lagi dun. Tapus pagkatapos kumain nagkayayaan na silang maginum nakakahiya naman silang tanggihan kaya yun napainum ako ng Tanduay first time ko noon naginum pero di ako lasing yung isa naming kabarkadang babae lasing na lasing. sya... Nagpahulas muna kami bagu pumasuk. Nakakatuwa talaga nun . Pumasok kaming kabado dahil sa kaklasi namin. Yun na nga nakapasok naman kami pero tulala parin yung kaklasi ko tapus bigla syang tinawag ng teacher namin wala syang kibo kaya sinigawan namin sya.
Third year na pala kami ang bilis ng panahon nagkahiwahiwalay kami ng mga kaklase ko. Isa lang ang naging kaklase ko ulit sya yung lagi kong kasama noon.Kada matatapos ang klase kami ang magkadikit. Tapos di nagtagal dumami kami lagi kaming nagiinum sa bahaykubo nung barkada ko pag halfday kami. Minsan nga nagkakayakagan pa kami ng mga barkada ko samin. Lagi silang nandun inaabut na nga sila ng gabi. Sa tuwing inihahatid ko ang mga babae sa sakayan naiiwan naman ang mga lalaki samin inaabot kami ng gabi pagiinum at pagvivideoke. Kala ko pa nga noon di na ko makakapasa ng Science pero mabait naman yung teacher namin kaya binigyan kami ng removal activity. Ayun nakapasa na ako. Salamat kay mam.
Bakasyon na nakursunadahan pa kami ng lasing sa amin. Tinuukan kaming magkakabarkada ng baril. Buti nalang mabait pa si Lord at di nya kami pinabayaan. Untikan na kami dun!
Ang bilis talaga ng panahon ngayon Fourth year na ako nagkaroon nanaman ako ng bagong kaibigan syempre nandyan parin yung luma. Ang saya ng samahan namin kulitan dito bargasan doon. Kaso minsan napapagalitan na kami ng mga teacher pati sa C.A.T nayayari kami lagi kaming may parusa. Sana naman makapasa ako ngayon at makagraduate. Salamat sa mga taong naging bahagi ng buhay ko. Maraming Salamat.
Biyernes, Pebrero 18, 2011
"KWENTO NG ISANG JOHN PAOLO M. BARGADOS"
" Ang Pakikipagsapalaran ni Super Polonggoy"
![]() |
" Ang cute na ako =) " |
Ika-9 noon ng Enero taong 1995 ng ako ay ipanganak sa bahay ng aking lolo. Ako ang unang apo ng aking lolo at lola. Unang pamangkin ng mga tiyo at tiya. At unang anak ng aking ama at ina. Nasakin ang atensyon ng lahat ng mga panahong iyon. Ako ang laging kalaro ng aking mga pinsan. Ako pa nga daw ang pinaka cute noong ako'y bata pa. Naalala ko pa noon sinasabi sa akin ng mga tambay na sa tuwing bibili daw ako sa tindahan at sinigawan nila ako ng "PORMA" naka pose daw agad ako. Daig ko pa daw ang Mr. Pogi noon. Baby palang ako talagang napaka kulit ko na. Isang araw nga daw noon habang ako ay nasa walker ko sa labas ng dati naming bahay. Naiwan ako ng aking yaya. At dahil sa kakulitan nahulog ako sa hagdanan buti nalang dumating ang idol kong tatay. Salamat sa kanya dahil kung di nya ko nasalo sa pagpatak ko sa 20 hakbang na hagdan daka lumaki akong bingot o ang mas malala di na ko tumanda.
![]() |
" PORMA " |
Habang dumadaan ang mga araw,ang mga buwan at taon. Marami na akong natututunan. Natuto na akong maglakad kaya di ko na kailangan pang mga walker . Sabi nila noong ako ay bata pa mas madalas daw akong hawak at pasan ng aking yaya kesa sa aking mama. Siguro busy sya kaya ganun. Kasi nag-aaral sya noon. Si dady naman nagtratrabaho noon. Kaya si Tito Egay ang tumatayong tatay ko pag wala siya. Masaya na malungkot pero sa ngayun naiintindihan ko na.
![]() |
" Ako sa kasal ng aking tita " |
Dumaan pa ang mga taon. Masayo akong lumalaki sa pangangalaga ng mga taong nakapaligid sa akin. Di ako iyakin noong bata ako. Pero lagi akong barino. Yun ang sabi nila sakin. Lagi daw akong nagdadabog. Ang litrato sa taas ang nagpapatunay na sumpungin talaga ako. Ewan ko kung bakit kadalasan ng mga litrato ko nung ako ay bata pa lang ay laging nakasimangot. Moody lang siguro talaga ako.
Wala na akong maikwento tungkol sa mga pangyayari sa aking buhay nung ako ay bata pa. Kaya tatalonan na natin yung iba pang taon na nagdaan sa buhay ko.
![]() |
" Ang masayang ako =D " |
![]() |
"Ng makatapos ako ng pre-school " |
Nakagraduate ako ng kinder sa Zamora Learning School. Saya din mag-aral dun ako natutong magsulat ng pangalan ko at mag drawing ng stick na tao. Minsan naman binibili ako ni mama ng coloring book na mga cartoons ang pinaka favorite ko noon ay ang Power Rangers at sa halip na kulayan ko yun mas masaya ako pag binabakat ko yung mga drawing. Panget kasi ako mag kulay. Tutal nasabi ko na din naman ang Power Rangers aaminin ko na din na adik talaga ako dito . Gustong gusto kong manuod ng palabas na yun. Ang saya kasi. Gustong gusto ko ding maging si Red Ranger. Ako yung leader . Hahaha!! Lagi ko sinusuntok mga pinsan ko pag inaagawan nila ako ng kulay.
![]() |
" Unang taon ko sa elementarya " |
Pumasok na ulit ako pagdating ng pasukan sa San Pablo Central School . Noong una ayaw ko talaga pumasok lalo na nung nalaman kong mag-hapun na ang klase. Masaya rin pala Pilot B ako noon section Hello Kitty hahaha!! Inggit na inggit ako dun sa kaklase kong magaling magdrawing. Nuon kasi pinadalhan ako ni Tito ng isang coloring book na Small Soldiers . At dahil di ko naman kayang kulayan kasi nga ANG PANGET KONG MAGKULAY binigay ko yun sa kanya. Hiningi yung sakin ni Israel ( Kung di ako nagkakamali sya yung magaling magdrawing na kaklase ko ) Tapus inggit na inggit ako kasi kaya nyang idrawing at kulayan. Kaya nakipagkaibigan ako sa kanya. Masaya kasi sya yung kauna-unahan kong naging kaibigan bukod dun sa pinsan kong si Vanessa. Naging magkaibigan kami. Natuto akong mag drawing dahil sa kanya. Ang SAYA SAYA MEN! hahah!! Pero dahil din dun nahilig akong mag-drawin at dahil din dun yun si Mr. Pambura ng lapis pumasok ulit sa ilong ko! Hay nako! Singa to the left and Hagod to the right nanaman ako!
Syempre si John Paolo maraming pinagdaanan ng elementary .Grade One ko nakilala ko si first crush ko. Hahaha. Si Ms. Sarah De Castro ata yun. Basta! Kasu sa kasamaang palad suplada si ineng tsss.. Pero ayus lang! Hahah!! First time ko rin dumugo ang ilong dahil sa suntok ng kaklase ko. Hahaha! Ang saya talaga.
Grade Two hahaha!! Bumababa section ko. Tsss. Pero ayus lang kasamo ko naman si crush hahaha.. Tsk. Ang sama ko ng taong to. Nagdadala ako ng kutsilyo sa school. Tsk. Kinukupitan si Lolo ng baon tapus nanghahalik ng kaklase. Napaka bad ko ng school year na to. Kaya nung nalaman ni lolo yun gulpe de gulat ako! Yan tuloy nadala!
First time ko din mag binalot haahaha!! di ko naman kinakain at tinatapon ko lang! TSK TSK TSK! Sayang ang pagkain! Naalala ko tuloy ang pamatay na linya ni tita " ANG DAMI DAMING NAMAMATAY NA BATA DAHIL SA GUTOM MINSAN NGA KINAKALKAL PA ANG BASURA TAPUS IKAW SUSUBO MO NALANG DI MO PA MAGAWA! " .
Pero nakilala din ako sa school sa positibong paraan nakilala ako dahil sa pag sasayaw ko. Kada break time ng tanghali di na ko kakain pupunta ako sa may ginibang canteen para makipagshowdown ng harlem at break dance sa ibang section .
Grade 5 naman ng umalis ang mama ko papuntang Dubai. Iyak ako ng iyak noon. Kada gabi sya tumatawag sakin. Si Dady ang naiwan magbantay para sakin. Yun ang pinaka matagal na panahon na nakasama ko si Dady. Lagi kaming naglalaro ng barilan Pellet Gun. Kaya lagi akong may pantal. Tinuruan nya din ako gumawa ng Fill Box. Hahaha! Ang saya . Pero isang araw napanuod ko si spider man sa DVD. Yes! The best ha! Kaya na inspired akong lumambitin. Nagkataon namang maraming bibitinan sa bahay namin. Ayun si Polonggoy natuwa bumitin. Kaso pagbitaw ko yun sala ang patak. Apat na tahi lang naman ang inabot ko dahil kay SpiderMan na yan! Kaya si Batman nalang ang idol ko!
Nung grade six naman ako. May isa akong babaeng naging crush non! Di ko sya malilimutan. Nakaubub sya sa desk nung una ku syang nakilala. Sya si Dora kung tawagin. Patay na patay talaga ako sa kanya. Nung sumayaw ako ng family day sya hinanap ko. hahaha. Kaya full of energy ako nun!
Naka graduate ako ng elementarya ng may recognition dahil sa pagkakapanalo namin sa Mardigra . Hahaha! SUCH A WONDERFUL EXPIRIENCE!
![]() |
" GOOD BYE CENTRAL =( " |
Di naman ako gwapo pero nagawa kong makihalubilo sa kanila. Hahaa!! Sila ang naging mga tunay kong kaibigan sa taong iyon. Si Daryll, Micheal , Niko at Jopet. Dito rin nakilala ko si Micah. Hahah!! Ang babaing tanggap kung ano ako. Salaw pa kasi ako noon! Kaya di aakalain na mag-kaka gf ako ng ganoong itsura. To be honest! First year na ako pero tamad pa ako mag toothbrush. Kahit maglinis ng ilong di ko magawa. Nakakahiya! Di nagtagal nakatapos na ako ng firstyear. Salamat sa kulay na dinagdag ng LC sa buhay ko .
![]() |
" Ang aking natatanging IDOL " |
Noong bakasyon ding yoon ay naranasan ko ang isa sa pinaka malaking kalbaryo sa buhay ko .Nadukot si dady noon. Na Kidnapp kung baga. Lagi naiyak si Mama. Lagi syang tulala. Nadukot sya dahil sa masyado na daw syang maraming dinabanggang sindikato. Isa kasi syang katiwala ng Hepe. Sya ang front man ng mga drug operation. Galit sya sa drugs. Pero kahit gaano sya kabuting ama at mamayan para samin. Masama parin sya sa mga taong kinakalaban nya. Malaki ang naging epekto nito sa buhay namin.Lagi kaming nag-aabang ng tawag at impormasyon. Mahirap talaga. Di kami makakain ng ayos. Laging sya ang laman ng isip namin.
Hanggang sa isang araw tumawag sya samin. Nabigla kaming lahat! Sobrang saya namin noon. Daig ko pa ang nabigyan ng malaking halaga ng pera. Nakatakas daw sya sa tulong ng isang kaibigan. Ngunit kinakailangan pa nyang mag-tago para sa seguridad nya. Ayos lang samin kahit di kami lagi magkakasama. Basta alam naming nasa mabuting kalagayan ang idol ko, ang dady ko.
![]() |
" Si Samantha na pahed " |
![]() |
" Ang unang babae sa buhay ko " |
![]() |
" Joven , Jomark, Jaypee ( ORIGINAL J-KINGS) " |
![]() |
" Si ULOL! " |
Pero di pa dyan natatapos ang kwento ko noong Second Year ako. Dahil muntikan na din akong magka letse-letse dahil sa mga kaaway ni dady. Dahil di nila makita si dady ako daw ang pinuntirya nila. Kaya isang linggo akong hindi pumasok sa klase. Dahil nga daw may mga naghahanap sakin na lalaki. Pati ang kapatid ko nadamay. Kaya pumasok sa isip kong hindi kami kagaya ng ibang bata na malayang makakapaglaro kasama ng mga kaibigan. Kaya lahat ng bagay nagkaroon ng limitasyon.
![]() |
" Si Dady at Kuya Bayo kasama ko sa atisan " |
![]() |
" ONE OF THE BEST VIEW " |
Noon ding bakasyon na yoon bininyagan ulit ako. Di bilang kristyano pero bilang Triskelion.
![]() |
" THE ORIGINAL BROD BROTHERS " |
![]() |
" Ang kumpletong pamilya " |
Pasukan na ulit 3rd year na. Hahaha! Isa to sa mga miserableng parte ng highschool life ko. Dahil dito ako unang beses na sobrang naging sakit ng ulo ng nanay ko. Dahil pakiramdam ko sa uri ng buhay ko . Kulang ako sa kalayaan kaya nagawa ako ng oras para mag-enjoy naman kahit papaano. Dahil gusto kong maranasan mamuhay ng normal yung walang pinagtataguan na mga kaaway at walang problemang at paghihigpit sa bahay.
Nahuli pa ako ng DSWD dahil nahuli akong nakatambay sa inuman ng oras ng klase. Untikan na akong tumigil sa pag-aaral dahil doon. Nag-sisi ako ng sobra dahil doon. Kaya pinakita kong kaya kong magbago. Sobra talaga akong nagsisi.
![]() |
" Ako at si ULOL " |
Pumunta din kami sa Lola at Lolo ko sa Tiaong. Pinakilala ko sya sa kanila at nagustuhan sya ng lolo at lola ko. Ang saya-saya ko noon. Doon ko din sinabi sa kanya lahat ng bagay tungkol sa tatay ko. Pinakita ko din sa kanya ang natutunan ko sa tatay ko. Ang paggamit ng baril . Pero di ko akalain na ito pala ang magiging dahilan ng paghihiwalay namin ulit. Dahil sa nalaman ito sa kanila. Nagalit sila kay Cath. Pakiramdam ko tuloy ako ang dahilan ng lahat. Naging mahigpit na sila kay Cath simula noon. Dito ko po unang sasabihin na sobra akong humihingi ng tawad sa nagawa ko. Sa lahat . Sorry po . Pinilit kong magbago para sa kanya. Pero gusto ko pong malaman nyo na mahal ko po talaga sya. Sorry po ulit.
Yun na nga. Wala na ulit kami pero mahal na mahal ko pa din sya noon. Dumating ang bakasyon. Masaya ako dahil nakaalis ako sa third year. Pero malungkot dahil nalayo uli sya sakin.
Nadagdagan pa ang bigat ng dinadala ko. Mahal na araw noon sa Kinabuhayan. Pumunta kami doon para magpalipas ng mahal na araw at mamasyal na din. Ang daming tao. Bigla nalang nagtxt ang dady ko sakin na pupuntahan daw nya ako dun. Pumayag ako kasi miss na miss ko na sya noon. Nakasama ko ulit sya hhaaha!! At sa bundok ulit. Nagikot kami. Noon lang kami nakapagala ng walang pangamba ewan ko kung bakit. Ang saya ko nun hanggang sa maghiwalay kami kasi uuwi na sya. Baka marami pang makakita sa kanya. Tumaas na ulit ako sa tent namin binigyan pa nga nya ako ng pera. Tapos makalipas ang ilang oras may dumating na balita may dinukot daw sa baba ng bundok. Nagpakilala daw na pulis yung dumukot. Kinabahan na agad ako naisip ko agad si dady. Di na ko nagdalawang isip na bumaba ulit ng bundok. Halos ilang beses din akong nadapa bago makababa ng bundok. Pinuntahan ko yung bahay nung kaibigan ni dady para magpasama. Una kaming pumunta sa barangay hall sabi nung tanod sa amin dun daw kami pumunta sa police station. Pag dating namin sa Police Station nakita ko kaagad yung motor na nakataklob ng tingnan ko yung plaka kay dady nga. Paiyak na ko noon ng biglang lumabas yung pulis at hinawakan ako tinanong nya kung bakit ko daw tinitingnan yung motor na yun dahil sa takot nagdahilan ako. Tapus binitawan nya ako . Umaakyat ako ng bundok habang naiyak .
Isa yun sa hindi ko malilimutang pangyayari sa buhay ko. Noon lang ako naging sobrang takot sa tala ng buhay ko. Pakiramdam ko din kung hindi ako pumunta doon siguro hindi makikita doon si dady ng mga kaaway nya.
Dapat daw wala na kaming dady ngayon dahil dapat daw papatayin na noon ang dady ko. Pero dahil maraming nakakita sa pagkakadukot sa kanya at napigil pa ng mga lola ko ang mga gustong pumatay kay dady, Isinakay si dady sa sasakyan at dinala sa isang lugar. Dahil sa hindi nila natuloy ang balak nila pinalabas nilang isang wanted si dady at pinagbintangan sa kasong di nya ginawa. Kaya dahil doon nakakulong ang dady ko ngayun dahil sa kasalanang di nya ginawa. Hindi ako nahihiyang sabihin ito sa inyo dahil ako mismo ay kampante na mabuting tao ang tatay ko. Alam kong hindi nya kayang gawin ang mga bagay na binibintang sa kanya.
Dahil din dito naging disidido ako na magtapos ng pagaaral at piliting makatapos ng kursong alam kong may maitutulong sa tatay ko.
![]() |
" Ang natatanging ako " |
![]() |
" T-SHIRT LOGO NA GINAWA KO " |
Syempre di mawawala ang section ko. Ang 4-I ang natatangi at pinakaastig! Pinaka pasaway at pinaka masayang section para sakin. Salamat sa suporta nyo sakin mga pare at mare. Mahal na mahal ko kayo. Salamat sa pagiging parte ng buhay ko.
Ang sunod ay ang pagbabalik sakin ng aking mahal . Ewan ko di ko talaga kayang mabuhay ng wala sya eh. Nakapagdiwang pa ulit kami ng 2nd Anniversary sa tulong ng Boogie at ng tambayan namin ang KUMIDOR NI HENKAT. Ang saya ko noon kahit may nakakainis na nangyari. Basta alam kong mas napahalagahan ko sya. Eto nga pala yung isang simpleng regalo ko para sa kanya noon.
![]() |
" SI CHAIRMAN WITH HIS COUNCILORS " |
Fourth Year ako ng tumakbo akong SK Chairman masaya pero mahirap din. May mga kalaban pero politika yan eh. Kaya talagang maraming kalaban. Lubos ang pasasalamat ko ng ako ay nanalo. Naramdaman ko talaga ang suporta sakin mga kaibigan ko. Ang saya ko talaga noon. Pati si dady masaya din. Para sakin ang paninilbihan sa barangay namin ay nakatatak na sa pamilya namin.
![]() |
" ANG NASTYFIED CREW " |
Pero dahil din sa pagsasayaw ko may mga bagay na di ko matanggap. Yun ay ang pagtanggap na hindi ako pedi mamuhay ng normal. Masyadong delikado sakin ang umalis ng bahay tuwing gabi. Nasaktan ako ng sinabi sakin yun ng nanay ko. Sinabi nyang hindi ako normal. Hindi ako pedi mamuhay ng katulad ng iba. Gusto kong tanggapin at intindihin pero gusto ko din namang maranasan yung mga bagay na nagagawa ng iba. Kaya lalong lumaki ang galit ko sa mga taong naging dahilan ng pagiging ganto ng buhay ko at buhay ng aming pamilya.
![]() |
" Ako sa kasalakuyan " |
Sa labing anim na taon kong nabuhay sa mundo marami akong natutunan. Ang pagtanggap sa mga bagay at pagsubok na binibigay sayo. Ang hindi pagsuko sa mga bagay lalo na at alam mong para sayo ito. Ang pagtitiis para sa minamahal mo. Ang pagsangayon sa kasabihang nasa huli ang pagsisisi. Ang kahalagahan ng edukasyon sa buhay ng tao. Ang pagtanaw ng utang na loob. Ang kahalagahan ng kumpletong ang pamilya. Ang pagpigil ng luha sa tuwing sasapit ang pasko at mga okasyong importante sa buhay dahil sa kulang ang mahal ko sa buhay. At ang pagpapasalamat sa mga taong pinangalagaan ako. Maraming salamat sa inyo. Sana ay hindi nyo ko iwan sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan ko.
Maraming salamat po sa pagbasa sa buhay ko. =)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)